Monday, August 8, 2011

Love conquers my identity. I gave you my love, but I haven't received it in return.

August na noh?


Masasabi ko na rin na "ilang months na akong ganito".


Hanggang kailan pa ba ako magpapaka"martir" sa taong alam ko namang kailanman ay hindi ako magugustuhan.


As a girl, I have this sentimental side, which I don't let anyone to notice in person but to realize through this blog.


Arte no? But this blog contains LOVE.


***Simula ng makita kita, ewan ko ba pero ikaw na yung hinahanap ko. Ikaw lagi yung tinatanong ko sa kanila. Ikaw na nagpapakilig sakin kahit sa mga simpleng bagay. Oo Rein. Ikaw nga. Alam na rin nila kung ano yung nararamdaman ko sa'yo. Pero as usual, wala rin namang mangyayari. Alam ko namang "friend" lang ako sa'yo.

Natutuwa ako kapag kinakausap mo ako. Oo! Ang babaw no? Masaya ako kapag nakakasama kita. Mas nag-eenjoy ako magpractice nun dahil alam kong kasama ka. Ahaha! Minsan pa nga, masasaktan na lang ako kahit hindi naman dapat. "Akin ka ba? Hindi di ba?" Masakit, pero totoo.

Nung mga panahong lagi tayong magkakasama, naisip ko na sana laging ganito, para laging kumpleto yung araw ko. Pero alam ko rin naman na darating din yung panahong magkakalayo din tayo. Magiging busy sa mga dapat i-prioritize.

Alam mo ba kung bakit kami naging close ni Khyle Dhie?? Dahil yun sa'yo.. xD Tinignan niya lang yung facebook ko, and dahil sa mga pinaggagawa ko nun, nalaman niya na may gusto ako sa'yo. Nag-gm pa siya nun na may bago na daw siyang mommy xD And childish pero natutuwa ako. Na may naka-appreciate ng nararamdaman ko. Siya yung nagiging daan ko para mapalapit sa'yo na alam kong balang araw, matitigil din.

Bago magpasukan, gusto kong lubusin yung mga araw na magkakasama tayo. Ayoko na may isang araw na hindi kita makikita. Pero wala akong magagawa, dahil hindi ko rin naman hawak ang oras mo. Kahit na gustuhin ko man na lagi kang kasama, hindi rin naman yun matutuloy. Ilang araw na lang pasukan na namin, mapapalayo ako dahil hindi ako sa taytay magtitigil habang nag-aaral ako. Tumigil na rin muna ako pansamantala sa pagsasayaw sa j-squad dahil mawawalan ako ng oras.

Sinikap ko na lang makapasa sa audition ng grupo ko sa UST para naman, kahit papano, mabawasan yung lungkot ko. Sinusubukan kong magfocus muna sa ibang bagay para naman hindi ako maguluhan. Pero alam mo bang na-eexcite ako kapag uuwi ako ng taytay? Alam mo ba na sa tuwing babalik ako sa taytay, ikaw agad ang nasa isip ko? Ikaw agad ang gusto ko makita? Ikaw agad ang gusto kong makasama?

Ang babaw ko talaga xD

Alam ko namang hindi mo rin ako magugustuhan and mukha pa ngang "never" na yun ee. Hahaha! Sana lang hindi mo tine-take for granted ang nararamdaman ko. Bahala na!

Alam kong magkalayo yung level of maturity natin. Masasabi kong mas mature yung akin dahil college na rin naman ako. Pero kahit sa UST man ako nag-aaral.. kahit sinasabi nilang maraming guys dun, pake ko? Eh sa ikaw ang gusto ko xD

Anyway, masyado na akong nagpapakababa dito. I'll lift myself na. Where's the pride? xD Until here. :)))))